há•la•há•la 1: uri ng baboy (family Suidae o Tayassuidae) na may malapad na tainga at kara-niwang pinalalahian 2: isang uri ng pipino mula sa San Gregorio.
ha•lák 1: pagpuri o pagyayabang1 2: plema na bumabará sa lalamunan at nagdudulot ng pag-ubo 3: pagiging paos o malat ng boses dahil sa sipon
ha•lál 1: bóto1-5 2: pilì1 3: pagbuo 4: pagpatay ng hayop sa paraang isinasaad ng batas Muslim 5: karneng inihanda sa paraang ito; karneng makakain ayon sa batas 6: bagay, pag-kain, o kilos na pinahihintulutan ng batas ng Islam
ha•lá•man 1: organismong may cellulose ang mga cell wall, tu-mutubò sa pamamagitan ng sintesis ng mga hindi organikong substance at walang kakayahan sa pagkilos 2: anumang kabílang sa pangkat ng gulay at karaniwang maliliit na damo 3: anumang itinatanim at inaalagaan — HAM
ha•lá•mang-u•gát : mga halámang gaya ng kamote, patatas, at katulad na itina-tanim dahil sa malakí at nakakaing ugat
ha•láng 1: bilasâng isda 2: telang hinábi na may iba’t ibang kulay 3: tákot ng isang tao na nagta-tago upang iwasan ang panganib.