ha•lò 1: pagsasáma o paglalahok ng isang bagay sa ibang nása loob ng isang sisidlan 2: paghalukay sa lamán ng sisidlan 3: paglapit o pakikisáma sa karamihan 4: gaya sa “maghalò ang balát sa tinalupan” – magtúngo sa masamâ ang pinag-uusapan o maging magulo ang pag-uusap
halogen (há•lo•dyén) 1: alinman sa limáng element na flourine, chlorine, bromine, iodine, at astatine na matatagpuan sa group VII A (17) ng periodic table 2: bom-bilyang gumagamit ng pilamento na ligíd ng halogen.
há•lon 1: yerba (Amaranthus paniculatus) na tumataas nang 1-2 m, matabâ, at kulay pulá ang kabuuan 2: tumutukoy sa rantso at mansiyon na tinitirhan ng mayari 3: malakîng palumpong (Morinda umbellata) na gumagapang, at mahabà at mabalahibo ang sanga 4: hintúan ng mga naglalakbay 5: lílim 6: lunok.