host (howst) 1: tao na tuma-tanggap at umaasikaso sa panauhin, hostess kung babae 2: hayop o haláman na biktima ng parasito o or-ganismong komensal 3: a tao o hayop na tagatanggap b anawnser ng pro-gramang panradyo o pantelebisyon 4: óstiyá.
hostage (hós•teyds) 1: pagbihag sa isang tao upang ipagpalit sa kala-yaan o kayâ’y salaping 2: ang tao na bihag sa ganitong krimen.
hós•tel 1: tirahan para sa estudyante at iba pa 2: panandaliang tirahan para sa mga walang matulu-yan.
hós•tes 1: baba-eng bukod sa pagsisilbi ng pagkain ay maaasahang umaliw sa kustomer, lalo na sa mga restoran o bahay-aliwan kung gabi 2: puta.
hostess (hóws•tes) 1: babaeng tumatanggap sa panauhin, malimit ang maybahay 2: babaeng nagsisil-bing tagaaliw sa isang naytklab.
hó•ta 1: ang tawag sa Espanyol ng letrang J 2: sayaw at tugtuging Aragon, na iniangkop sa mga rehiyon sa Filipi-nas gaya ng Hota Batanggenya, Hota Boholana, Hota Samarenya, Hota Ilongga, at iba pa
hot cake (hát keyk) : pinag-halòng arina, itlog, asukal, gatas, at pampalasa na piniprito sa kaunting mantika o mantekilya.
hot•hót 1: tunog ng busina ng awtomobil 2: tunog ng trum-peta at katulad na instrumentong hinihipan 3: mga tahol ng áso.
hot house (hat haws) 1: gu-saling kontrolado ang init, madalas na yarì sa salamin, para sa pagpapa-tubò ng haláman kahit wala sa pana-hon, o pook na may temperaturang higit na mababà kaysa likás para sa mga haláman 2: kaligirang mabuti sa mabilis na development.
ho•tó•tay : pagkaing may sa-baw at pira-pirasong karneng baboy, hamón, hipon, ginayat na repolyo, at iba pang gulay.