honorable (o•nó•ra•ból, o•no•rá•ble) 1: a karapat-dapat na tumanggap ng dangal b nagpapakíta ng dangal 2: tapat na layunin sa panliligaw.
honorarium (o•no•rár•yum) : kabayaran, lalo na ang boluntaryong bayad sa propesyonal na serbisyo na isinagawâ nang walang karaniwang kabayaran.
hood (hud) 1: takip ng mákiná sa unahán ng awtomo-bil at mga katulad na sasakyan 2: pantakip sa ulo at leeg, nakahiwalay, o bahagi ng kasuotan.
hoop (hup) 1: pabilóg na láso ng metal o kahoy 2: laruang pa-gúlong 3: malakíng singsing na nilu-lusutan ng mga artista sa sirkus.