home plate (hom pleyt) : sa beysbol at ibang laro, isang sapád at may limang panig na bagay, sa gi-lid nitó tumatayô ang batter, sa iba-baw nitó pinararaan ang bola na ipi-nupukol ng pitcher, at tinatapakan ito ng runner para makaiskor
home run (hóm ran) 1: sa beysbol at katulad, pagtama sa bo-la na nagpapahintulot sa batter upang makaikot sa apat na base at maka-puntos 2: puntos na naitalâ sa gayong paraan.
homestead (hóm•is•téd) 1: lupang publiko na ipinamimigay ng pamahalaan 2: lupain na iginaga-wad sa dáyo
hó•mi•níd : anumang kabílang sa family Hominidae, gaya ng mga species mula sa mga genus na Homo at Australopithecus.
hó•mo 1: a anumang kabílang sa genus Homo b ang spe-cies na Homo sapiens o isa sa kabí-lang dito 2: pinaikling homo-sexual.
Hó•mo : genus ng mga primate na may dalawang paa, ma-lakíng utak, at gumagamit ng mga kasangkapan, gaya ng tao.
homogamy (ho•mó•ga•mí) : kalagayang hermaphrodite o iisa ang kasarian ng mga bulaklak ng isang haláman.
homologous (ho•mó•lo•gús) : magkatulad ang kalagayan, estruktura, at pinagmulan ngunit may magkaibang funsiyon.