kal 1: ápog 2: sa bilyar, ang tíla yeso, karaniwang kulay asul, at ginagamit na pahirán ng dulo ng tako
ka•lá 1: patatsulok na bútas sa pakwan upang makíta ang loob 2: lihà1 3: pamba-baeng galáng na higit na malapad sa blonso, gawâ sa tanso, at karani-wang isinusuot nang limang piraso
ka•la•bà : mapuputîng bátik sa bílog ng matá na nakapagdu-dulot ng panlalabò ng paningin at pagkabulag
ka•la•bá•nga : halámang kahawig ng lotus, nakakain ang butó, maganda ang bulaklak, at karaniwang lumalago sa lawa ng Laguna
ka•la•bá•sa 1: halámang baging (genus Cucurbita), malapad ang dahon, at nakakain ang bunga 2: bunga ng halámang ito 3: bagsák4
ka•la•báw 1: hayop (Bubalus bubalis) na pantrabaho, karaniwang itim, may sungay at buntot, tumataas nang 1.68 m, at humahabà nang 2.74 m 2: sa Filipinas, hayop na pambansang sagisag