ka•la•bít 1: pagsalíng nang ba-hagya sa pamamagitan ng daliri, karaniwan ng hintuturo, sa sinu-mang ibig tawagin ang pansin 2: pagtugtog sa bagting ng gitara 3: pagpisil sa gatilyo ng baril 4: pag-umpisa ng pagliit o paglubog ng buwang gasuklay
ka•la•bú•kab 1: uri ng ahas (order Ophidia) na walang kamandag at naninirahan sa tubig 2: tunog na likha ng paggalaw ng ahas o isda sa tubig, o anumang katulad nitó 3: alinlangan1,2 o pag-aalinlangan
ka•la•bú•sab 1: ingay ng isdang tumalon sa tubig 2: laguklok o bulbok ng likido kapag ibinubu-hos mula sa makitid na leeg ng bote
ka•la•bú•saw 1: mabilis at hindi kontroladong pagkampay ng bisig at pagpadyak ng sinumang nag-aaral lumangoy 2: tunog ng nila-busaw na tubig