kar•tú•tso 1: mali-it na sisidlang metal ng pulbura at bála ng baril 2: rolyo ng mga baryang magkakapareho ng denominasyon at súkat
ka•rug•tóng 1: pagpapatuloy 2: bahagi ng isang bagay na naputol, kinapos, o pansa-mantalang itinigil 3: susunod na labas sa de-seryeng nobela o progra-ma sa TV o radyo var kadugtóng
ka•rúng•ku•lá 1: mahimaymay na lamáng tumu-tubò sa katawan 2: abnormal na lamán na tumutubò sa balát ng butó ng haláman
ka•ru•nú•ngang-bá•yan : tumutukoy sa alamat, bugtong, salawikain, at iba pang anyo ng katutubòng panitikan na mapaghahanguan ng sinaunang paniwala at halagahan
ka•ru•rú•kan 1: taluktok ng bundok o ng isang pook 2: pinakamataas na bahagi o yugto 3: upuan ng isang pinagpipitaganang tao 4: upuan ng isang pinagpipitaganang tao