Ka•ra•ga•táng Pa•sí•pi•kó : karagatang naghihiwalay sa mga kontinenteng Amerika, Asia, at Aus-tralia, at nása pagitan ng Karagatang Artiko at Karagatang Antartiko
ká•ra-ká•ra : larong kahawig ng kara-krus; iniaayos nang nakaharap ang ibon ng mga barya ng mga manlalaro bago ihagis, at napupun-ta sa naghagis ang lahat ng baryang nakatihaya ang tao pagbagsak
ka•ra•ká•sa : ibong nása pamilyang babbler (Macronus gularis), mapusyaw na dilaw ang katawan at may mga batík na itim sa dibdib at tiyan
ka•ra•kól 1: uri ng susô 2: palikaw-likaw na bútas sa loob ng tainga 3: paikót na kilos ng nakahanay na mga mananayaw
ká•ra-krús : larong sapalaran, ginagawâ sa pamamagitan ng paghahagis ng dalawang barya na may layuning makakuha ng dalawang tao ang naghagis paglagpak ng mga ito
ka•rák•ter, ká•rak•tér 1: kataúhan 2: taúhan1 3: anu-mang simbolo na ginamit bílang isang titik, numero, at iba pa, at kumakatawan ng impormasyon 4: sa madyong, isa sa mga set ng mga pitsa 5: katangian, lalo na ang makatutu-long sa pagtukoy o pagkilála ng isang specie
ka•rák•te•ri•sas•yón 1: sa dula o pelikula, pamamaraan ng pagtatanghal ng aktor o aktres sa isang karakter 2: malikhaing representasyon sa mga taúhan ng isang akda