ka•ra•pa•táng-a•rì : esklusibong karapatang ibinibigay ng batas para lumikha, mamahagi, o kumontrol ng mga kopya ng akda, musika, o anumang malikhaing gawain sa isang takdang bílang ng mga taon
ka•rá•pat-dá•pat 1: may moral na halaga upang bigyan ng respeto, papuri, o méritó 2: may katangian upang kilalanin o parangalan
ka•ra•táy 1: basket na pinag-sisidlan ng pagkain at isinasabit para ilayô sa dagâ at kulisap 2: bas-ket na masinsin ang pagkakalála at isinasakbat upang madalá ang mga damit hábang naglalakbay