ko•róna de-es•pí•na : tuwid na palum-pong (Euphorbia milii), 1 m ang taas, madálang ang dahon, at may bulak-lak na may mahabàng tangkay, at kulay pulá ang pabilog na talulot, katutubò sa Madagascar
ko•ro•nas•yón 1: seremonya ng pagpuputong ng korona sa pinunò, gaya ng reyna o hari 2: seremonya ng pagpuputong ng korona sa musa ng pista o pagdiriwang
ko•róng 1: uri ng punongkahoy na may bungang pulá at nakakain 2: gupit ng buhok noon na ang habà ay hanggang mga tainga lámang
kor•po•rál, kór•po•rál 1: kábo1 2: putîng tela na pinaglalagyan ng konsagradong elemento sa pagdiriwang ng Euka-ristiya
kor•po•ras•yón 1: asosasyon ng mga indibid-wal na binuo sa pamamagitan ng mga batas, at may sariling identidad at pag-iral na hiwalay sa mga kasapi nitó 2: kompanya2
kor•sé : panloob na kasuotang pambabae, masikip at la-pat na lapat, at ginagamit upang magkahubog ang katawan
kor•tá 1: namuong substance sa pamamagitan ng galaw ng asido sa gatas, maaaring gawing keso o nakakaing pagkain 2: masebong substance na makikíta sa pagpapakulo ng lamán ng salmon 3: pamumuo na tumutukoy sa pagkain