kor•né•ho 1: palumpong (genus Cornus) na may matingkad na puláng sanga, may bulaklak na lungtiang putî, may bungang lila, at karaniwang natatagpuan sa kakahuyan 2: anumang katulad nitó
kor•ní•sa 1: moldeng palamuti na nakapalibot sa itaas na bahagi ng dingding, gusali, o anumang estruktura 2: anumang moldeng nakaarko, tulad ng ginagawâ sa ibang kasangkapan
kor•nu•kóp•ya 1: sisidlang hugis sungay, may mga pagkain at inumin na hindi nauubos 2: representasyon nitó na simbolo ng kasaganaan 3: labis-labis na suplay 4: noong panahon ng Espanyol, tirikán ng kandila na maraming sanga
kó•ro 1: regular na pangkat ng mang-aawit, lalo na sa simbahan 2: bahagi ng malakíng simbahan sa pagitan ng altar at ng panggitnang pasilyo 3: pangkat ng mga instrumentong magkakapamilya na tinutugtog nang magkakasabay 4: malakíng pangkat ng mang-aawit
ko•ró•na 1: putong na maraming adorno at karaniwang may mga hiyas 2: tuktok ng ulo 3: taluktok, gaya ng sa bundok 4: bahagi ng haláman na nása ilalim ng lupa at bahagyang nakalitaw sa lupa