kó•ro 1: regular na pangkat ng mang-aawit, lalo na sa simbahan 2: bahagi ng malakíng simbahan sa pagitan ng altar at ng panggitnang pasilyo 3: pangkat ng mga instrumentong magkakapamilya na tinutugtog nang magkakasabay 4: malakíng pangkat ng mang-aawit
ko•ró•na 1: putong na maraming adorno at karaniwang may mga hiyas 2: tuktok ng ulo 3: taluktok, gaya ng sa bundok 4: bahagi ng haláman na nása ilalim ng lupa at bahagyang nakalitaw sa lupa
ko•róna de-es•pí•na : tuwid na palum-pong (Euphorbia milii), 1 m ang taas, madálang ang dahon, at may bulak-lak na may mahabàng tangkay, at kulay pulá ang pabilog na talulot, katutubò sa Madagascar
ko•ro•nas•yón 1: seremonya ng pagpuputong ng korona sa pinunò, gaya ng reyna o hari 2: seremonya ng pagpuputong ng korona sa musa ng pista o pagdiriwang
ko•róng 1: uri ng punongkahoy na may bungang pulá at nakakain 2: gupit ng buhok noon na ang habà ay hanggang mga tainga lámang