lá•in 1: anumang malaking dahon na maaaring gamiting plato 2: dahon ng gabe 3: malaking dahon ng saging 4: gúhit1 5: abaká 6: samâ.
lá•ing 1: isda (family Trichiuridae) na mala-espada ang hugis 2: tuyô o naninilaw na dahon ng saging 3: putaheng isda o hipon na ibinalot sa dahong gabe, ginataan, at pinasingawan
laissez faire (lé•sey feyr) : doktrinang naniniwala sa malayang kalakalan, walang pakiki-alam ng pamahalaan, at mga pu-wersa sa pamilihan ang nagtatakda ng halaga ng kalakal.
la•í•ya 1: palumpong (Harrisonia perforata) na tumataas nang 2-4 m, matinik ang sanga, mabalahibo ang dahon, at gamot sa pagtatae ang balát ng ugat 2: pinakuluang karne na nilahukan ng luya.