lak•há 1: kulisap na tulad ng malaking langgam at ang mga itlog ay ginamit ng mga sinaunang Bisaya para magkulay pulá ang ngipin 2: pinawà.
la•kí 1: kabuuan ng taas, habà, lapad, o kapal 2: kahigtan sa sukat ng isa sa isa 3: kalagayan ng tubig sa ilog, o dagat kapag mataas 4: búlto 5: amá ng lolo at lola 6: crustacean (order Decapoda) na malaki.
lá•kip 1: pagsasáma, pagkakabit, o pagpapa-loob ng isang bagay sa isa pang bagay 2: anumang bagay na ipinaloob, isináma, o ikinabit
lak•lák 1: pag-inom o pagkain gamit ang dila katulad ng ginagawâ ng áso at pusa 2: masiba at lumilikha ng tunog na paraan ng pagkain o pag-inom 3: balakbák.
lak•mít : palumpong (Merremia vitifolia) na masanga, mahabà at maliit ang tangkay, at mabalahibo ang dahon.