la•mán 1: malambot na substance ng hayop o katawan ng tao, kasáma ang masel at taba 2: karne 3: nilalamán1 4: labis na paghahangad sa kamunduhan.
la•mán•dá•gat : anumang bagay o nilaláng na nagmula at nilikha sa dagat, gaya ng damong-dagat, isda, sigay, at iba pa.
la•máng-u•gát : bunga ng mga halámang-ugat na nakukuha sa ilalim ng lupa gaya ng kamote, gabe, ube, at iba pa