ma•gá•long : sa sinaunang lipu-nang Bisaya, puláng turban na sagi-sag ng katapangan ng mandirigmang nakapatay na ng kaaway
mag-a•nák 1: mag-silang ng sanggol 2: maging ninong o ninang sa binyag, kumpil, kasal, at iba pang pagdiriwang
mag-á•nak 1: ang magulang at mga anak bílang isang pangkat 2: batayang yunit ng lipunan 3: magkakauri at magkakaisang pangkat gaya ng sa wika, hayop, haláman, at iba pa
mag-a•sá•wa : por-mal na humarap ang isang laláki at isang babae sa isang legal na seremonya upang maging asawa ang isa’t isa
mag-a•sá•wang ká•hoy : dalawang kahoy na iisa ang uri ngunit magka-iba ang kulay o kayâ’y magkadikit nang tumubò
má•ga•sín 1: ba-basahíng nagtataglay ng iba’t ibang uri ng lathalain, karaniwang lumalabas minsan sa isang linggo 2: bahagi ng baril na sisidlan ng mga punglo