Madeira (ma•di•ra, ma•dé•ra) 1: pangkat ng limang pulô sa hilagang kanluran ng baybayin ng Africa, at sakop ng Portugal 2: pangunahing pulô sa naturang pangkat 3: uri ng putîng alak na matapang at gawâ sa naturang pook 4: ilog sa kanlurang Brazil at umaagos mula sa hilagang silangan ng Amazon
mad•lâ 1: ang karaniwang taong-bayan 2: ang mga tao na bumubuo ng pama-yanan, estado, o bansa 3: partikular na pang-kat ng mga tao na may iisang interes, layunin, at katulad
mád•mad : ritwal na pumu-puri kay Kabunyian at sa mga kalulu-wa ng mga ninuno sa pamamagitan ng pag-aalay ng tapuy
mád•re 1: sa relihiyong Katoliko, babaeng may bokasyong italaga ang sarili sa Diyos 2: sa pagmimina, ang inang-bato 3: iná1 4: ang kina-kapitan ng pinto, bintana, at iba pa upang maging matatag