mag•ne•tís•mo 1: penomenang magnetiko at ang mga pag-aaral ukol dito 2: ang katangian ng paglikha ng mga penomenang ito
mag•ni•pá•yer 1: tao o kasangkapan na nagpapalak 2: lente o kombinasyon ng mga lente na nagpapalakí sa tinitingnan, hal magnifying glass
mág•ni•túd 1: dakilang lakí o luwang ng isang bagay 2: dakilang kabuluhan 3: súkat ng relatibong ningning ng mga bituin at iba pang lawas pangkalawakan
magnolia (mag•nól•ya) 1: punongkahoy (Magnolia gran-diflora) na inaalagaan dahil sa maitim na lungting dahon at ma-lalakí, putî, at mabangong mga bulaklak kapag tagsibol, katutubò sa Estados Unidos 2: kulay gatas
magnox (mág•noks) : alloy na gawâ mula sa magnesium at ginagamit upang takpan ang mga elementong panggatong na ura-nium sa isang reaktor nuklear
mág•num 1: bote ng alak na higit na dalawang beses ang lakí sa karaniwang bote 2: a kartutso na sadyang pinalakas o pinalakí b kartutso o baril
mág•num ó•pus 1: kahanga-hanga at di-karaniwang maraming likha o akda 2: ang pinakamahala-gang akda o likha ng isang artista, manunulat, at iba pa
Má•go 1: sinuman sa tat-long haring nagpugay sa sanggol na si Hesus 2: sa sinaunang Persiya, saray ng mga paring Zoroastrian na may kapangyarihang sobrenatural
mag•pá- : pambuo ng pandiwa, nagpapakíta ng aksiyon, dahilan u-pang gawin ang sinasabi ng salitâng-ugat, hal magpagawâ, magpabili, magpapasok