Ma•hál na Á•raw : isang linggo ng paggunita sa mga hulíng araw ni Hesus hanggang Linggo ng Pagka-búhay
ma•har•li•kâ, ma•har•li•ká 1: sa sinaunang barangay, ang pinakamataas na sangay sa lipunan na binubuo ng pamilya at kamag-anak ng datu 2: tao na kabílang sa naturang saray 3: táong malayà
ma•hes•tád 1: kapita-pitagang dignidad o ka-pangyarihan lalo na sa pagdadalá ng sarili, wika, batas, at iba pa 2: para sa hari na kapang-yarihan
má•hi•ká 1: pag-gamit ng mga paraan o bagay na pinaniniwalaang may kapangya-rihang sobrenatural 2: di-karaniwang kapangya-rihan, dulot ng agimat o iba pang bagay na sobrenatural 3: ang sining ng pag-likha ng di-karaniwang ilusyon sa pamamagitan ng salamangka 4: kagila-gilalas na bisà