ma•ki•a•lám : su-mangkot o makisangkot sa isang gawain o usapin ng ibang tao, kara-niwang walang pahintulot ang mga tunay na kasangkot
má•ki•ná 1: apa-ratong gumagamit ng mekanikal na lakas at may tiyak na gawain ang iba’t ibang bahagi 2: uri ng aparatong meka-nikal, gaya ng sa sasakyan 3: instrumentong nagpapadaloy ng lakas 4: sistemang nagkokontrol ng isang organisasyon 5: tao na mekanikal kung kumilos at kulang sa emosyon
ma•ki•nár•ya 1: mákiná sa pangkalahatan 2: bahagi ng mákiná 3: organisadong sistema 4: pamamaraan na ma-aaring gamitin
ma•ki•nas•yón 1: ang akto, halimbawa, o proseso ng paggawâ at pag-aayos ng mákiná 2: pinaghandaang plano o intriga
ma•ki•níl•ya 1: kasangkapan para sa mekanikal na pagsusulat ng titik at mga tipo 2: sa paglilimbag, estilo ng tipo na nag-bibigay ng anyo ng kopyang likha nitó 3: kasang-kapan ng barbero sa pagputol ng buhok
mák•mak 1: magmág, kara-niwang ginagamit sa paraang negatibo, hal “Wala akong makmak diyan” 2: paglalatag ng damo sa lu-pa 3: paglalagay ng anumang bagay, karaniwang ipa o darak, sa paligid ng punò ng palay upang hindi ito mamasâ