ma•ka•hi•yâ : haláman (Mimosa pudica) na may pinong dahong tumitiklop kapag náhipò o násalíng at pink ang bilog at mabalahibong bulaklak, ipinasok mula sa tropikong Amerika
ma•ka•lu•mà 1: mahilig o makiling sa paggamit ng lumà o hindi na napapanahon 2: may kaisipan o pananalig na laban sa pagbabago
ma•ka•lu•pà : higit na mahilig sa mga bagay na mater-yal o sa karaniwang búhay kaysa búhay na espiritwal
ma•kán 1: uri ng palay sa tubigan, maganda at mabango, may uring putî ang bigas at may uring may kulay 2: uri ng baboy na malinamnam ang karne kapag iniluto