ma•lá•ta•lóng : palumpong (Solanum verbascifo-lium) na tumataas nang 1-4 m, mabuhok, may dahong humahabà nang 10-23 sm, at may bulaklak na maputî o bughaw
ma•la•tan•tá•ngan : punongkahoy (Her-nandia ovigera) na may makikinis na dahon, mabuhok na putîng bu-laklak, at bilog na bunga na naku-kuhanan ng langis na ginagamit sa paggawâ ng kandila o pantanggal ng balakubak
malathion (ma•la•tá•yon) : pamatay-kulisap na may ha-lòng phosporous at may mahinàng lason para sa ibang hayop
ma•lá•tu•ngáw : palumpong (Melas-toma malabathricum) na ornamen-tal at may bungang manamis-namis at maasim-asim