ma•la•pan•dó : isdang-alat (Carangoides malabari-cus) na malálakí ang ngipin at bughaw at putî ang katawan
ma•la•pan•dóng di•láw : isdang-alat na kapamilya ng dámis (Gnathanodon speciosus) na maliit ang mata, manilaw-nilaw ang kulay na may mga guhit na itim mula likod hanggang tiyan, at makaliskis ang tiyan
ma•la•pa•pá•ya : punongkahoy (Polyscias nodo-sa) na maliit, walang sanga ang punò, paikid ang dahon na hugis susô at karaniwang ginagamit na pampalamuti