ma•núng•gal : punongkahoy (Sa-madera indica) na tumataas nang 10 m, madilaw ang kahoy at bilu-haba ang mga dahon, kulay pink ang mga bulaklak at bilugan ang bunga
Ma•nung•gúl 1: mayungib , na pook ng sinaunang pamayanan na matatagpuan sa Lipuun Point, Palawan 2: banga, tapayan, o anu-mang sinaunang kagamitan ng mga katutubò na nahukay ng mga arkeo-logo , sa mga yungib ng naturang pook
má•nu•nú•bing : maliit na i-bon (family Meropidae), may mari-kit na balahibo, malaki ang ulo na may mahabà at nakakurbang tuka, at nanginginain ng kulisap
ma•nu•nú•sok : pinakamala-kíng pipit2 sa Filipinas (Arachnothe-ra clarae) at may balahibong nag-hahalò ang abuhin, mapusyaw na dilaw, at mapusyaw na dalandan
ma•nu•pak•tú•ra 1: paggawâ o paglikhâ ng mga bagay o produkto sa isang pabrika 2: sangay ng isang in-dustriya