man•yúr 1: dumi ng hayop na karaniwang ginaga-wâng patabâ sa lupa 2: anu-mang abono o artipisyal na patabâ
má•pa 1: sapád na representas-yon ng rabaw ng mundo o mga bahagi nitó, at nagtatanghal ng mga katangiang pisikal, pook, lungsod, at iba pa 2: diyagramatikong representasyon ng isang ruta
má•pa- 1: pambuo ng pandiwa, nagsasaad ng kakayahang magawâ ang aksiyong ipinahihiwatig ng salitâng-ugat, hal mapaalis, mapabi-lí 2: pambuo ng pandiwa, may ka-sámang , -pag-, nagsasaad na maaa-ring maganap ang isang bagay, hal mapapag-aral, mapapagbasá 3: pam-buo ng pandiwang palayon, nagsasa-ad ng aksiyon na magagawâ o maga-ganap, hal mapagalíng, mapadulas
ma•pág- 1: pambuo ng pang-uri, nagsasaad ng bagay na madalas ga-win, hal mapag-alboroto, mapaghi-malâ 2: pambuo ng pang-uri, nagsa-saad ng pagkakaroon ng hilig upang maganap ang anumang ninanais, hal, mapagmagalíng, mapagmapuri 3: pambuo ng pandiwa, may hulaping -an, nagsasaad ng kakayahang magawâ ang isang aksiyon, hal , mapag-aralan, mapag-ukulan
ma•pág•bi•gáy 1: nagpapakíta ng kabutihang-loob sa ibang tao 2: nagpapakíta ng kahandaan na magbigay ng higit na salapi, pana-hon, at iba pa kaysa kailangan o inaasahan