pá•su•líng-sú•ling : lumalakad nang walang tiyak na pupuntahan dahil sa labis na paghihirap o pagkalito.
pa•su•lót : paraan ng pagsasabi ng galit sa pamamagitan ng pagtuturò sa táong pinagagalítan o sa pamamagitan ng pagtaas ng nakatikom na kamao ngunit naka-tayô ang hinlalato.
pa•su•nód 1: mapang-abusong sistema ng pagpa-pautang na sapilitang pinauutang ng maylupa ang magsasaka 2: pakikitungo o paraan ng pamamalakad sa mga nasasaku-pan 3: anumang ibinibigay ng mga magulang sa mga anak kapag sila ay mag-aasawa 4: pamumunò sa pama-magitan ng pagbibigay halimbawa 5: pagtatanim ng palay sa lupang dati ay binabaha ng tubig.
pa•súp•ling 1: paraan ng pagpapatubò ng bagong halaman mula sa magulang na ha-laman 2: ang bagong supling mula sa gayong paraan