pá•a•ra•láng pri•bá•do : paaralang pag-aari at pinangangasiwaan ng isang tao o pangkat ng mga tao at hindi nakatatanggap ng tulong panana-lapi mula sa pamahalaan
pá•a•ra•láng ter•si•yár•yo : paaralang nagdudulot ng mga kurso o titulong panghanapbúhay sa mga nagtapos sa mataas na paaralan
pa•bá•hay 1: anu-mang tirahan, kanlungan, at katulad 2: kalipunan ng mga bahay 3: paglalaan, pag-tatayô, o pagbibigay ng bahay para sa isang tao, pangkat, o pamayanan
pa•ba•lát 1: magkabi-lâng takip ng aklat, magasin, at kauri 2: papel o plastik na ibinabalot sa balangkas ng saranggola.