pa•ba•ngó 1: katas o preparasyon para sa pagdudulot ng katanggap-tanggap o kaakit-akit na samyo 2: anumang nagbibigay ng bango
pa•bá•wun 1: salapi na ibinibigay sa isang tao mula sa sariling suweldo 2: anumang bagay na ibinibigay bílang baon ng isang tao na maglalakbay o aalis.
pa•ba•yâ 1: walang wastong pag-iingat sa paggawâ ng isang bagay 2: hin-di nagbigay ng wastong pangangala-ga sa isang tao o bagay 3: nabi-gong gumawâ ng aksiyon
pa•bel•yón 1: gusali, karaniwang walang dingding at ginagawâng tanghalan 2: isa sa magkakahiwalay o magkaka-rugtong na pangkat ng mga gusali na bumubuo ng isang ospital at katulad 3: nakaangat na bahagi ng isang gusali, maaaring nása gitna o sa magkabilâng dulo
pa•bi•gát 1: anumang nagdudulot ng dagdag na timbang 2: bakal na pambalanse sa timbangan 3: anuman o sinumang pasánin ng iba, gaya ng mga tao na hindi naka-tutulong.
pa•bi•nì : parirala, taludtod, o mga taludtod na ulit-ulit binibigkas o inaawit sa loob ng isang awit o tula
pa•bí•tin 1: mga laruan, kendi, at iba pang papremyo na isinasabit sa isang balag na nakabitin 2: laro na pag-aagawan ng papremyo sa balag na itinataas at ibinababâ
pa•bi•yáy 1: húling isda na hinahayaan munang mabúhay sa tubig, maaaring sa loob ng isang lambat o sisidlan 2: akwaryum.