pang•gál : kapirasong kawa-yan o kahoy na inilalagay sa sungay o ulo ng hayop upang hindi mapasu-ot o mapunta kung saan-saan.
pang•gás 1: almirulán ang bulak upang habihin ito 2: paghagod o paghimas, gaya sa pagpanggas ng manok o pagpanggas ng damit
Páng•ga•si•nén•se 1: pangkating etniko na matatagpuan sa hilaga ng bulubundukin ng Zamba-les at kanluran ng Dagat Tsina 2: ang wika ng mga taga-Pangasinan.
pang•ga•tâ 1: tumu-tukoy sa kasangkapan para katasin ang gata ng niyog 2: tumutukoy sa gata ng niyog na gagamitin sa ginatan.
pang•gi•gí•pit : kilos para isadlak ang iba sa isang masamâ, masikip, nakatatakot, o alanganing kalagayan.
pang•gi•gi•pus•pós : panlulumo o panlalam-bot, karaniwang bunga ng panganga-nino o pagkasira ng loob.