pang•gíng•gi : lumang uri ng laro ng baraha noong panahon ng Espanyol, karaniwang nagiging isang uri ng sugal
pang•hál 1: tumutukoy sa kaning lumamig sa kinalalagyang palayok 2: napagod o nainip sa matagal na paghihintay.
pang•ha•lí•li 1: tao na binigyan ng kapangyarihan na kumuha sa puwesto at gumanap para sa sinumang hindi makatupad sa tungkulin 2: anumang nagagamit o naihahalili sa iba
pang•ha•líp : bahagi ng pananalitang binubuo ng mga salitang ginagamit na panghalili sa mga pangngalan, hal kami, ako, siya
pang•ha•líp na di-tiyák : panghalip na hindi tuwirang tumutukoy sa tao, hayop, bagay, lunan, o pangyayari, at iba pa sa partikular, hal sinuman, anuman, alinman, saanman
pang•ha•líp pa•a•rî : panghalip na tumu-tukoy o kumakatwan sa anumang pag-aari, hal akin, kaniya, iyo
pang•ha•líp pa•mang•gít : panghalip na tumutukoy sa isang salita o ibang salik na nagpapakilála sa isang parirala na bahagi ng paksa o panaguri at tumutukoy sa ilang salik ng pangunahing parirala, hal “Ang silya na binili mo ay matibay.”