pan•lá•kad 1: anu-mang ginagamit sa paglakad 2: damit o kasuotang ginagamit sa pag-lalakbay, pamamasyal, at espesyal na okasyon.
pán•la•la•hát 1: kilos o paraan ng pagsasáma sa lahat, lalo na sa pagsasakdal o pan-lalait 2: a pangkalahatang proposisyon na nabuo mula sa mga partikular na kaso b pagbuo ng gayong proposis-yon
pan•láng•hap : aparato para sa pagsinghot ng si-ngaw na panggamot, karaniwang para umibís ang bará sa ilong o ang hika
pan•la•pì : titik o mga titik na ikinakabit sa unahan, gitna, o hulihan ng salita upang magkaroon ng bagong kahulugan