pan•li•náng 1: kasangkapang ginagamit sa pagsa-sasáka 2: sa edukasyon, paraan o pamamaraan para sa pagsasanay o pagpapahusay ng isang kakayahan.
pan•lo•ób : damit na isinusuot sa ilalim ng damit panla-bas, gaya ng panti at bra o kamiseta at karsonsilyo
pan•ló•ob 1: baklad sa may pampang ng ilog 2: kudkuran na tulad ng kutsara na wa-lang ngipin 3: isang uri ng panghuli ng dagâ.
pan•lu•nán 1: nauukol sa o nagpapahiwatig ng kina-roroonan 2: nauukol sa case ng pangngalan, panghalip, at pang-uri na nagpapahayag ng pook 3: tingnan ang pang-abay panlunan
pán•lus : sa sinaunang lipu-nang Bisaya, sibat o bahag na nagi-ging sanhi ng pananakít o pamamaga ng binti kapag natapakan.