pan•tíng 1: biglang silakbo ng galit 2: malakas na pitík sa tainga 3: batóng pinag-kikiskis para gumawa ng apoy 4: pag-hahawan ng talahib at ibang karisal.
pan•tis•tís 1: instrumento na ginagamit sa pag-opera ng may sakít 2: lagari o anumang ginagamit sa pahabâng pagputol ng isang kahoy.
pan•ti•yó : uri ng talim na bakal na may bútas o uka sa dulo, at ginagamit sa paglalagay ng bato sa hiyas
pan•tóg 1: maliit at hugis peras na súpot, nása kanang ilalim na bahagi ng atay, at nagsisilbing imbákan ng likidong lumalabas sa atay 2: panubigan.
pan•tók 1: tu-gatog1 2: daldálan 3: síkap 4: hayop (Suillotaxus marchie) na hawig sa baboy, maliit ang matá at tainga, at kulay kape ang katawan.
pán•to•mí•na : pagsasa-dula o pagganap sa anumang papel nang hindi nagsasalita bagkus guma-gamit ng masagisag na pagkilos o ng malikhaing pagbabago ng anyo ng mukha o pangangatawan
pan•tót 1: pagkayamot sa pag-hihintay 2: sa baraha, ang pagpapalit ng hawak na baraha upang makabuo ng magagandang pares na maaaring ipanalo.
pan•tu•bós 1: salapi para sa pagbabayad ng utang upang mabawi ang isinanglang ari-arian 2: salapi para ibayad sa kidnapper