pang•kál 1: may malaking pa-ngangatawan ngunit walang alam 2: nakausli ang mga ugat sa ibabaw ng lupa 3: mabagal at tamad.
pang•ká•ma 1: ukol o may kaugnayan sa káma 2: tumutukoy sa gawain ng púta, o sa anumang kaakit-akit na katangiang pisikal nitó.
pang•ka•pé 1: ukol o may kaugnayan sa kape 2: tumutukoy sa munting halaga na ibinibigay bílang pabuyà.
pang•ka•ré•ra 1: nauukol sa kabayo, bisikleta, kotse, at iba pa na ginagamit sa karera 2: nauukol sa salapi na nakalaang ipusta sa karera.