pa•ti- : pambuo ng pandiwa, kasá-ma ng mag-, nagsasaad ng kawalan ng kontrol sa sariling kalooban, hal patihulóg, patibuwál, patianód, patiwakál.
pa•tí : saka; katagang karaniwang gamit sa pagsang-ayon, pagdaragdag, o pag-sasáma, hal “Patí ako’y idinawit niya”.
pa•tì 1: sagot, karaniwan sa pag-tatálong tulad sa balagtasan 2: matatag at matibay sa hangarin o salita.
pa•ti•á•nod 1: pag-papaubaya na tangayin ang sarili sa agos 2: pagpapaubaya na sumunod sa anumang mangyayari.
pá•tid 1: pagkatisod hábang luma-lakad 2: kusang paghalang ng paa upang matisod ang isang ibig gawan ng ganito