quadrat (kwád•rat) 1: quad1-2 2: parisukat o parihabâng káma ng lupa na ginagamit sa pag-aaral ng mga haláman at hayop
quadratik (kwad•rá•tik) 1: parisukat 2: square at walang hihigit na power ng isang kantidad na hindi tiyak; hinggil sa pangalawang degree 3: tumbasan o polynomial sa ikala-wang degree
quadratik form (kwad•rá•tik form) 1: parisukat 2: polynomial ng ikalawang degree na walang hindi nagbabagong termino
quadrature (kwad•réy•tyur) 1: paggawâ ng parisukat 2: a paraan ng paghahanap ng square ng katumbas na area sa hatag na rabaw b paraan ng paghahanap ng area o ang pagkalkula ng integral, karaniwang sa pamamagitan ng pamamaraang pambílang 3: a ang kinalalagyan ng dalawang lawas pangkalawakan na magkaiba ang longhitud ng 90° b alinman sa dalawang punto sa orbit ng lawas pangkalawakan, gaya ng buwan, na nása pagitan ng mga syzygy c mga punto o panahon na makikíta ang half moon
quadriceps (kwád•ri•séps) : malaking masel sa harap ng hita na tumutulong upang maunat ang hugpungan ng paa at hugpungan ng balakáng
quadric surface (kwád•rik sér•fis) : rabaw na masisipat sa tatlong panig at may kuwadratikong tumbasan
quadricycle (kwad•ri•sáy•kel) : sasakyang kahawig ng bisikleta at traysikel ngunit may apat na gulóng
quadrigatus (kwád•ri•géy•tus) : baryang pilak sa sinau-nang Roma na nagtataglay ng hu-lagway ni Jupiter na nasa quadriga
quadrik (kwád•rik) : nása ikalawang degree, karaniwang sa mga funsiyon na may mahigit dalawang variable