re•eng•kar•nas•yón 1: paniniwalang bumabalik ang kaluluwa sa lupa sa ibang kata-wan o anyo pagkaraang mamatay ang katawan 2: mu-ling pagsilang ng kaluluwa sa ibang katawan 3: bagong engkarnasyon, gaya ng tao
refer (ri•fér) 1: ituon ang pansin o isip sa isang bagay 2: su-mangguni para sa isang impormas-yon o anumang kinakailangan 3: magbigay ng impormasyon, pagsu-suri, o pasiya
referendum (réf•i•rén•dum) 1: proseso ng paghahain ng usaping pampolitika o panukalang-batas sa mga mamamayan upang pagpasiyahan nila kung tatanggapin o hindi 2: boto na nakukuha sa refe-rendum
reflect (rí•flekt) 1: patalbu-gin ang init, liwanag, tunog, o katulad mula sa isang rabaw 2: ipakíta ang hulagway; ilarawan ang isang bagay, gaya sa salamin 3: maging dahilan o sanggunian 4: a magnilay-nilay b alamin kung karapat-dapat
reflector (ri•flék•tor) 1: rep-lektor 2: substance, gaya ng gra-phite o tubig na ginagamit upang mapigilan ang pagtakas ng mga neu-tron mula sa ubod ng isang reaktor
reflex (rí•flex) 1: sa kilos, hiwalay sa sariling kapasiyahan, ga-ya ng awtomatikong tugon sa pag-estimula sa isang nerve, hal bahing 2: sa anggulo, higit sa 180° 3: naka-liyad 4: sa isip at katulad, nakatuon sa sarili 5: hinggil sa hindi kusang tugon sa isang estimulo
reflexology (ri•fleks•ó•lod•zí) 1: sistema ng masahe sa pamamagitan ng pagpisil sa ilang ti-yak na bahagi ng paa, kamay, at ulo, ginagamit upang makapagpagaan ng pakiramdam at malunasan ang ka-ramdaman 2: siyentipikong pag-aaral sa mga reflex