refuse (re•fyúz) 1: tumanggi o tanggihan 2: tumangging tanggapin ang anumang inihahain o ibinibigay 3: tumangging magbigay; tanggihan ang pakiusap, hinihiling, o katulad 4: magpahayag ng hangaring hindi gagawin ang isang bagay
refute (re•fyút) 1: patuna-yang huwad o kasinungalingan 2: patunayang mali o nagkakamali ang isang tao
regal (rí•gal) 1: hinggil sa hari o maharlika 2: kahawig ng hari o karapat-dapat para sa hari 3: ma-ringal at dakila
regalia (ri•gál•ya) 1: sagisag ng maharlika na ginagamit sa koro-nasyon 2: palatandaan o sagisag ng ranggo o tungkulin 3: anumang ma-ringal at kapansin-pansing kasuotan, palamuti, o katulad
re•ga•lís 1: katas ng itim na ugat ng halámang ginagamit sa sangkap sa gamot at pampatamis 2: halámang legum-bre (Glycyrrhiza glabra) na pinagmu-mulan ng nasabing katas
regatta (ri•gát•a) 1: karera ng mga sasakyang-dagat, gaya ng yate o bangkang sinasagwan 2: organisadong serye ng nasabing paligsahan 3: matibay at guhitang telang koton
regimen (rédz•i•mén) 1: kontroladong programa ng di-yeta, ehersisyo, at paraan ng pamu-muhay na may layuning panatilihin o ibalik ang dating kalusugan 2: rehimen