re•ko•men•dá 1: itanghal na karapat-dapat na tang-gapin, gamitin, o pagkatiwalaan 2: ilarawan ang isang bagay na kaila-ngan o nababagay 3: ipayo 4: hika-yatin ang tangkilik o pagtanggap
re•ko•men•das•yón 1: tagubilin 2: payo 3: liham o katulad na nagrerekomenda sa isang bagay o tao 4: anumang humihikayat ng taguyod para sa isang tao o bagay
re•kon•sil•yas•yón 1: pagkakasundo ng dala-wang panig na hinati ng hindi pag-kakaunawaan 2: proseso ng pagtutugma 3: pagtiyak ng pagkakatulad ng dalawang bagay 4: pagiging armonisado o magkatugma
ré•kord 1: a piraso ng katunayan o impormasyon na binubuo ng opisyal na pagsasalaysay ng isang pangyayari, sinabi, at katulad b dokumento na nagtatalâ nitó 2: pagpreserba sa pamamagi-tan ng pagsulat o ibang permanenteng pamamaraan 3: plaka1 4: a opisyal na ulat ng mga pangyayari o hatol ng hukuman b kopya ng mga nakasulat na reklamo ng naghahabla at ang katwiran o tu-gon ng inihahabla sa isang kasong hahatulan ng hukuman 5: a kabuuan ng mga katunayan hinggil sa nakaraan ng isang tao b talaan ng mga krimeng nagawâ ng isang tao 6: pinakanatatanging pagta-tanghal o kahanga-hangang pangya-yari sa isang larangan 7: pi-nakamataas na marka o pinakamahu-say na rate na naitalâ gaya sa isports 8: opisyal na kasulatan na itatago at iingatan 9: bagay na nagsisilbing alaala ng isang tao o bagay
re•kór•der 1: tao na pagtatalâ ang gawain; tagapag-tala 2: elektronikong ka-sangkapan na ginagamit sa rekor-ding, hal teyp rekorder 3: instru-mentong hinihipan at kahawig ng plawta ngunit hinihipan sa dulo at may higit na hungkag na tunog
re•kór•ding 1: kilos o gawi ng isang nagrerekord 2: anumang inirekord, gaya ng akdang pangmusika 3: anumang ginagamit sa paggawâ ng rekord 4: proseso na pagrerekord ng mga senyas na audio at video upang kopyahin nang mara-mihan sa hinaharap
rek•rék 1: masinsing bukó ng mga kahoy lalo na ng kawayan 2: tunog ng kumukulong bigas sa pag-luluto 3: tunog ng baradong ilong
rek•ti•pi•ká 1: iwasto; isaayos 2: dalisayin, lalo na ang mga inuming alkoholiko sa pa-mamagitan ng paulit-ulit na destilas-yon 3: isaayos ang pagtaya o kalkulasyon, gaya ng instrumento o takbo ng paglalakbay sa dagat 4: palitán ng direct current ang alternating current 5: ta-yahin ang haba ng isang kurba
rek•ti•pi•ka•dór 1: anuman o sinumang nagsasaayos o nagwawasto 2: apa-rato na ginagamit upang gawing di-rect current ang alternating current 3: aparato sa proseso ng destilasyon, nagbubukod sa mga materyales na volatile sa pamamagi-tan ng kondensasyon ng mga ito
rek•ti•pi•kas•yón 1: pagwawasto ng maling pasi-ya o kilos 2: pag-dalisay, lalo na sa inuming alkoholiko sa pamamagitan ng paulit-ulit na des-tilasyon 3: pagsasaa-yos sa pagtaya o kalkulasyon, gaya ng instrumento o takbo ng paglalak-bay sa dagat 4: pag-babago sa alternating current upang maging direct current 5: pagtaya sa habà ng isang kurba
rék•tor 1: klerigo na namamahala sa isang parokya sa simbahang Protestante 2: sa Katoliko Romano, eklesyastiko na namamahala sa kolehiyo o kongre-gasyon 3: sa simbahang Anglican, nagmamay-ari ng lahat ng karapatan, kontribusyon, at katulad 4: pinuno ng ilang uniber-sidad, kolehiyo, o paaralan
re•kúr•so 1: paghi-ngi ng tulong o proteksiyon sa isang tao o bagay 2: tao o bagay na hinihingan ng tulong o proteksi-yon