reject (ri•jékt) : tao o bagay na tinanggihan, itinakwil, o hindi isi-nama dahil hindi umabot sa istandard o itinuring na hindi karapat-dapat
reject (ri•jékt) 1: tumangging tanggapin, kilalanin, o paniwalaan 2: tumangging pagbigyan ang isang pakiusap, utos, o katulad 3: tumang-ging kilalanin o tanggapin ang isang tao 4: itapon o ituring bílang hindi kanais-nais o hindi kapaki-paki-nabang 5: isúka 6: ipuwera; huwag isáma 7: mamatay ang organ o tissue na isinalin sa ibang katawan sa pamamagitan ng operasyon
rejoinder (ri•jón•der) 1: ang isinasaad o ipinahahayag sa tugon 2: sa isang kaso, tugon ng na-sasakdal sa paratang ng naghahabla
re•ka•pi•tu•las•yón 1: pagbibigay ng maikling lagom, lalo na pagkatapos ng isang talakayan o talumpati 2: teorya na nagsasaad na nauulit ang proseso ng ebolusyon ng isang organismo sa mga yugto ng pagkabuo ng bilíg nitó 3: bahagi ng isang move-ment, gaya sa sonata na muling ini-lalahad ang mga tema ng eksposis-yon
re•kí•sa : masusing pagsisiyasat sa pamamagitan ng pag-hahalughog sa mga sisidlan, gaya ng mga kahon, bag, at katulad
re•ki•sis•yón 1: a pormal o awtoratibong paghingi para sa isang bagay na kailangang gawin o ibigay b form na pinagsu-sulatan ng mga ito 2: nakasulat na hiling o order para sa ilang bagay, gaya ng mga suplay 3: awtoratibo at opisyal na paghiling, gaya ng isang petisyon na hulihin ang isang kriminal 4: kailangan o mahalagang kondisyon