ri•wa•rá : varyant ng diwará; ka-raniwang ginagamit para sa naging masâmang kapalaran, gaya ng napa-riwará, mapariwará
Rizal, Jose (ri•zál, ho•sé) : (1861 1896) pambansang bayani; awtor ng Noli Me Tangere at El Filibusterismo, pangunahing Propagandista, pinag-hinalaang lider ng Rebolusyong Fili-pino, at binitay noong 30 Disyembre 1896
roadblock (rówd•blak) 1: harang o barikada sa kalye, lalo na ang inilalagay ng awtoridad upang pigilin at siyasatin ang mga sasakyan 2: kilos, aksiyon, kalagayan, o katu-lad na sagabal sa pag-unlad
roast (rowst) 1: a maghurno b mag-ihaw c sa kape, isangag bago gilingin 2: ilantad ang sarili o bahagi ng katawan sa init 3: sa pagpaparusa, ilantad sa apoy o matinding init 4: batikusin; tuligsahin
roaster (róws•ter) 1: tao o bagay na nag-iihaw 2: a pugon o plato na ginagamit na ihawan ng pagkain b ihawán 3: anumang mainam iha-win, gaya ng manok, patatas, at katu-lad