ra•báw 1: ibabaw1,2 2: panlabas na mukha o bahagi ng isang bagay; pinakaibabaw o pinaka-mataas na suson o bahagi 3: anumang mukha ng isang lawas o bagay, hal rabaw ng isang dais 4: lawak o lakí ng panlabas na bahagi 5: panlabas na itsura na kaiba sa panloob na katangian 6: sa heometriya, anu-mang pigura na may dalawang di-mensiyon; bahagi o lahat ng hangga-han ng isang solid 7: pagla-lakbay sa lupa at sa dagat, sa halip na sa himpapawid, sa ilalim ng tubig, o sa ilalim ng lupa
rabbet (ráb•it) : malalim at tíla baitang na uka sa isang gilid ng kahoy na maaaring lapatan ng isa pang kahoy gaya ng sa hamba ng pinto
rabbi (ráb•ay) 1: pangu-nahing opisyal ng sinagoga na nag-sanay sa seminaryo at itinalagang maging espiritwal na pinuno ng Hu-daismo at ng pamayanang Hudyo 2: titulong pamitagan sa mga guro at iskolar na Hudyo 3: sa malakíng titik, hari ng Ehipto
rabies (réy•biz) 1: naka-hahawang sakít ng áso, pusa, at ka-tulad na dulot ng virus na Fermido inexoribilis, nakamamatáy kapag hin-di nagamot, at karaniwang naililipat sa tao sa pamamagitan ng kagat ng hayop na may ganitong sakít 2: hydrophobia
racer (réy•ser) 1: sinuman o anuman na lumalahok sa karera 2: kabayo, yate, bisikleta, at katulad na ginagamit na pangkarera 3: anumang mabilis tumakbo 4: alinman sa maraming uri ng payat na ahas na mula sa mga genus na Coluber at Masticophis