racial classification (réy•syal kla•si•fi• kéy•syon) : pag-uuri sa lipunan batay sa dugo o lahing pinag-mulan
rack (rak) 1: balangkas, kara-niwan ng rehas, bara, kawit, at katulad na pinagsasabitan ng mga bagay 2: salansanan 3: sa bilyar, hugis tatsulok na pinag-aayusan ng mga bola sa iba-baw ng mesa 4: matinding pagdurusa ng katawan o isipan 5: pagkawasak; lubos na pagkasira
racket (rák•et) 1: raketa 2: malakas na ingay lalo na iyong naka-bubulabog o nakabubulahaw 3: organisado at ilegal na gawain, ga-ya ng panghuhuthot 4: a mapanlinlang na gawain at katulad b pinagkakakitaan
radar (réy•dar, ra•dár) 1: sistema ng pagtaya ng direksiyon at pook na kinaroroonan ng isang ba-gay na gumagalaw sa pamamagitan ng pagpapadalá ng mga along-radyo na may mataas na dalasan at pag-puna sa bumabalik na alingawngaw 2: aparatong ginagamit sa pagsasa-gawâ nitó
radiant energy (réy•di•ánt e•ner•dyí) 1: enerhiyang napalala-ganap sa pamamagitan ng paggalaw ng alon lalo na ng elektromagnetikong alon 2: liwanag2
radiation therapy (rad•yéy•syon té•ra•pí) : paglunas sa kanser at katulad na sakít sa pama-magitan ng radyasyon gaya ng x-ray o ultrabiyoletang sinag
ra•di•kál 1: hinggil sa ugat, pinagmulan, o batayan 2: malayò ang nararating; patú-ngo sa ugat 3: nagtataguyod ng ganap na reporma; rebolusyonar-yo 4: bumubuo ng batayan 5: root ng isang bílang o kantidad 6: hinggil sa ugat ng salita 7: hinggil sa pangkat ng atom na kumikilos bílang isang yunit sa ilang compound