sa•lá-ung•gô : larong pambatà na hinahanap at itinatayâ ang mga kala-hok na nagtatago sa sanga ng mga punò
sa•láw 1: sisidlang may tubig, na nása paanan ng hagdan o bungad ng bahay para sa paghuhugas ng paa kung marumi 2: malîng pagbílang 3: sa Tinggian, sapilitang pagkuha sa isang bagay
sa•lá•wag : ang mga bára o mga piraso ng kahoy o kawayan sa balangkas ng bubungan na pinagkakabitan ng atip
sa•lá•way 1: pagkuha ng isang bagay sa ilalim ng tubig gamit ang isang patpat 2: pagsungkit ng plema sa bibig gamit ang mga daliri
sa•lá•wi•ka•ín : maikli ngunit makabuluhang pahayag, karaniwang matulain at nagagamit na patnubay sa pag-uusap at pagsulat