sá•lang•sá•lang 1: pagpapatong-patong ng mga kahoy 2: biniyak na kawayan na ginagamit sa pagsalok ng lupa
sa•lang•sáng 1: sumalungat 2: itulak sa isang panganib 3: hindi sundín ang utos 4: maglayag laban sa hangin
sa•lang•sáng 1: varyant ng salansang 2: pagiging lulóng 3: makitid na tilad ng kawayan na ginagawâng patungán ng palayok 4: lalagyan ng sahing na pampakintab
sa•láp 1: kabuuan ng paa mulang hita hanggang dulo ng mga daliri 2: salapi para sa gastos 3: daplis na hampas o saksak 4: uri ng lambat na panghúli ng isdang-tabang
sa•lá•paw 1: pagtudla ng palaso sa ibabaw ng ulo 2: pagsakay sa kabayo nang hindi sumasampa sa estribo
sa•la•pî 1: paraan ng palítan na nása anyong barya o papel 2: toston 3: noong panahon ng Espanyol, kalahating piso o apat na reales
sa•lá•pid 1: dalawa o tatlong hiblá na ipinulupot nang maayos gaya ng lubid, mahabàng buhok, at mga katulad 2: pagbabago ng posisyon sa sayaw