sal•sál 1: paglalaro sa sariling uten 2: sa pagbabalita, pagpapahabà ng ulat, karaniwang dinadagdagan ng di-totoong nangyari
sal•si•tsón : soriso na malakí, pina-usukan, gawâ sa giniling na karne ng baboy o báka, at nilahukan ng mga pampalasa
salt (solt) 1: asin 2: compound na nabubuo mula sa reaksiyon ng acid na may base, na pinapa-litan ng radikal na metal o tila metal ang bahagi o kabuuan ng hydrogen ng acid
salt and pepper (solt end pé•per) : may pinaghalòng mapusyaw at matingkad na mga kulay, gaya ng itim at putî sa buhok
sal•tík : kasangkapang ginagamit para maghagis ng bató, karaniwang binubuo ng sapád na katad na may mahabàng talì sa magkabilâng tainga at pinaiikot nang mabilis bago pawalan ang isang talì, gaya ng ginamit ni David nang patayin si Goliat