sa•ló 1: pagsapo ng mga kamay sa anumang mahuhulog, kinukuha, o lumilipad 2: kilos o paraan bílang tukod o salalay
sá•lok 1: hugis tása o hugis kutsarang sisidlan na may mahabà at tuwid na tatangnan at ginagamit na pangkuha ng tubig 2: ang paggamit ng sisidlan o ng kamay para kumuha ng tubig 3: igíb 4: panghúli ng isda na hugis salok
sá•lol, sa•lól : putî at kristalinang pulbos, HOC6H4CO OC6H5, na may aromatikong amoy, at ginagamit bílang konserbante
Sa•lo•mé : sa Bibliya, baba-eng nagsayaw sa harap ni Herod Antipas, binigyan ng karapatang pumilì ng kaniyang gantimpala at pinilì na mapugutan ng ulo si Juan Bautista