sám•pol 1: maliit na bahagi o kantidad na nagpapakíta ng kabuuan 2: maliit na bahagi ng tela o anumang kalakal 3: halimbawà1 4: espesimen, lalo na para sa pagsusuring pang-agham
sam•pran•sís•ko : palumpong (Cordiaeum variegatum) na makapal at mabalahibo, may iba’t ibang hugis ang dahon, at may bulaklak na walang talulot
sam•pû 1: pamilang na katumbas ng siyam at isa 2: salitâng bílang para sa 10 o X 3: ang súkat o halaga na sampu