sá•nang : pares ng agung na tinutugtog nang sabay, tinatambol sa gilid ang isa, at sa umbok ang isa pa
sanatorium (sa•na•tór•yum) 1: ospital para sa paggamot ng mga sakít na malalâ o pabalik-balik 2: sanitarium
sá•naw 1: maliit na tubigan o putikan na likha ng pag-apaw ng tubig 2: am 3: tulo1 4: gabíng maliwanag 5: patís
sá•nay 1: paraan ng ulit-ulit na paggawâ sa isang bagay upang humusay 2: mga leksi-yon o gawain na dapat sundin para humusay
sa•nay•sáy 1: maikling komposisyon na may tiyak na paksa o tema, karaniwang nása prosa, analitiko, at nagpapahayag ng interpretasyon o opinyon 2: anumang komposisyong katulad nitó